Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alden, malaki ang iniambag sa costume ni Hammerman
Alden, malaki ang iniambag sa costume ni Hammerman

Alden, malaki ang iniambag sa costume ni Hammerman

MALAKING bahagi ang input ni Alden Richards sa pagpili ng costume ni Hammerman, ang persona ni Victor Magtanggol kapag superhero na.

“’Yung costume po, roon po ako nagkaroon talaga ng malaking ambag.

“Kasi nakailang revisions po kami ng costume bago po…

“Mga tatlong po (revisions), bago po namin narating itong final costume ko so, marami na pong naging improvements and adjustments from the first one.

READ MORE:  Written in Our Stars nina Piolo at Toni, tuloy pa rin

“And nakatutuwa po kasi parang umaabot na po ako minsan sa kahit sa sarili ko po na parang, ‘Makulit na ba ako masyado?’

“Pero andiyan pa rin po talaga ‘yung team namin na very understanding, even ‘yun po, si Edrian kanina, siya po ‘yung nagde-design ng costumes, ng mga monster, lahat ng effects.

“Ano po siya, willing to adjust po talaga siya, kasi siyempre po, itong ganitong mga proyekto, bihira lang ibigay sa isang lifetime. So talagang ‘yung efforts ko po para mapaganda ‘yung show, in my own creative way, ibubuhos ko po lahat dito sa show na ito.”

READ MORE:  Mayor Alonte, ‘di ginamit ang Showtime at ASAP20 sa pangangampanya

Si Edrian Baydo ang costume designer ng Victor Magtanggol.

Nasa sixty percent naman ang input ni Alden sa paglikha ng kanyang costume bilang si Hammerman.

“Kasi gumagawa po si Edrian ng concepts, ng mga hitsura, ng mga costume, and then ipasusukat po sa akin.

READ MORE:  PAO Chief Acosta, tagapagtanggol ng mga inaapi!

“Siyempre po ‘pag hindi maganda ipare-revise po ulit, gagawa na naman po si Edrian ulit ng panibago and then ang final arrangement po na inayos namin was pinagsama-sama po namin ‘yung mga design from the first draft, hanggang sa ito na po ang naging hitsura.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

COMMENTS

About Rommel Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved