Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Minority Bloc’ ni Suarez sa Kamara ilegal — Solons
‘Minority Bloc’ ni Suarez sa Kamara ilegal — Solons

‘Minority Bloc’ ni Suarez sa Kamara ilegal — Solons

ILEGAL ang pananatili ni House minority leader Danilo Suarez sa kanyang posisyon ngayon na nagka­roon na ng bagong House speaker.

Ayon sa mga kongre­sista, ilegal at imoral lamang na proseso ang tanging paraan na maha­lal si Rep. Danny Suarez at ang kanyang grupo bilang minority group.

Ayon kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat, karami­han sa mga nakausap niyang kasama sa Kong­re­so ay ayaw ng ganyang uri ng pamomolitika.

“The flagrant viola­tion of accepted parlia­mentary and our own House rules contributed to the downfall of the past House leadership. Huwag naman sana maulit sa ilalim ng bagong lide­rato,” ani Baguilat, isa sa mga miyembro ng Liberal Party na nagpahayag ng kanilang pagsama sa bagong minorya ng Kamara.

READ MORE:  3 drug suspects patay sa enkwentro sa Cavite

Ang grupo ni Quezon Rep. Danilo Suarez, tinaguriang dilawang minorya, ay ayaw bumi­tiw sa kanilang puwesto sa minorya.

Si Suarez, kasama si Manila Rep. Lito Atienza ay mga supporter ni Speaker Gloria Macapa­gal Arroyo ay pumirma sa manifesto of support sa kanya laban kay dating speaker Pantaleon Alva­rez.

“Kinakailangan natin ng isang tunay na malaya at mahusay na minority bloc upang mapaganda ang diskurso sa budget, Cha-cha, TRAIN at dara­ting pang mga debate,” ani Baguilat.

READ MORE:  Digong magra-rambo sa Bilibid (Kapag nabuang)

Paliwanag ni Calo­ocan Rep. Edgar Erice, isa pang miyembro ng LP: “Ang patuloy na pagpipilit ng kampo ni Cong Suarez na manatili bilang minority group sa Kamara, bagamat mali­wa­nag sa batas at alitun­tunin na sila ay nasa mayorya na ay hindi lamang pagsasalaula sa Kongreso kundi pagnana­kaw sa karapatan ng mga mamamayan na magka­ro­on ng check and balance sa Mababang Kapulu­ngan.”

“Tungkulin ng bawat kinatawan ng Kongreso ayon sa kanilang sinum­paang katungkulan na labanan ang ganitong uri ng kabalbalan,” giit ni Erice.

Nanawagan si Erice sa mga kasamahan niya sa minorya na gawin ang lahat – sa korte, kalsada at iba pang protesta – para mapigilan si Suarez na matagal nang kaalyado ni Arroyo.

READ MORE:  Sekyu patay, 1 pa sugatan sa holdap sa Agora market

“Ang palpak na kamada ng grupo ni Suarez ang lalong magpa­pabagsak sa imahen ng kamara,” ani Erice.

Nanawagan din si Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list Rep. Antonio Tiñio kay Suarez na bumitiw na sa kanyang puwesto mata­pos bumoto kay Arroyo.

“Magkakaroon ng katawa-tawang sitwa­s-yon na ‘yung minority leader ay ‘yung tagasu­porta at aminadong nagkampanya pa nga kay GMA [Gloria Macapagal Arroyo],” ani Tiñio.

ni Gerry Baldo

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved