Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / BOL nadiskaril
BOL nadiskaril

BOL nadiskaril

READ: Bicam report sa BOL niratipikahan ng Senado

READ: Collateral damage

WALANG naipagmayabang na Bangsamoro Organic Law ang Malacañang dahil sa sinabing ‘intramurals’ sa pagitan ng mga kaalyado ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo at House Speaker Pantaleon Alvarez.

Imbes ipasa ang BOL, nag-adjourn ang sesyon upang mawalan ng pagka­kataon ang mga nagtang­kang patalsikin si Alvarez na ilathala ang isyu ng speaker­ship.

READ MORE:  2 kelot itinumba sa P’que City

Binuksan ni Alvarez ang Third Regular Session kaha­pon  at nanawagan na mag­ka­ron ng Charter Change at Federal Govern­ment.

Inaasahan na pagka­tapos ay magtatalumpati at pagbobotohan ang BOL, pero hindi ito nangyari.

Nanahimik, umano, ang Kamara hangang ini-adjourn ni Deputy Speaker Gwen­dolyn Garcia.

Ayon kay Rep. Antonio Tinio ng Alliance of Con­cerned Teachers party-list, ang mga kongresista ay nasa gitna ng mga miting para pag-usapan kung pa­ano mapapatalsik si Alva­rez.

READ MORE:  Suso ng joggers dinadakma, kelot timbog sa buy-bust (Sa Ormoc City)

Dapat iratipika ng Kama­ra ang BOL bago ito mapir­mahan ni Duterte. Nauna nang niratipika ito ng Senado bago magtanghali kahapon.

Ayon kay Rep. Tom Villarin, “In bad taste” ang pagkakaisangtabi ng BOL.

Marami aniyang mga panukalang batas ang masasakripisyo kung patu­loy ang ‘intramurals’ sa Kamara.

READ MORE:  JPE, Bong, Jinggoy pwede magpyansa pwede mag-abroad (Pinayagan ng Sandiganbayan, DoJ)

Ani Villarin, ito ang unang pagkakataon na big­lang nahati ang isang nakaupong administrasyon tungo sa palapit na elek­siyon.

Kadalasan, aniya, ang pagpalit ng speaker ay nangyayari kung malapit na matapos ang termino ng mga nakaupo.

Halata, ani Villarin na ang BOL ay naging biktima ng girian sa gitna ni Mayor Sara Duterte at ni Alvarez.

ni GERRY BALDO

COMMENTS

About Gerry Baldo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved