Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sorpresa sa SONA abangan — Bong Go
Sorpresa sa SONA abangan — Bong Go

Sorpresa sa SONA abangan — Bong Go

ABANGAN ang magi­ging sorpresa ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa ikanyang ikatlong State of the Nation Address nga­yon.

Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, laging puno ng sorpresa si Pangulong Duterte kaya abangan na lang ng publiko kung ano ito.

Tiniyak ni Go, galing sa puso ng Pangulo ang kanyang ihahayag sa SONA at kabilang sa mga isyung matatalakay ay may kaugnayan sa illegal drugs, kriminalidad, ko­rupsiyon at federalismo.

READ MORE:  Sink hole lumawak, 134 pamilya inilikas (Sa South Cotabato)

Inaasahang lalagdaan ng Pangulo bago ang SONA ang Bangsamoro Organic Law.

Bagama´t tatlumpo’t limang minuto ang ita­tagal ng inihandang ta­lumpati ng Pangulo, maaaring lumampas ito kapag may mga usapin siyang nais banggitin, sabi ni Go.

READ MORE:  Napoles ‘tumuga’ kay De Lima

Inatasan aniya ng Pangulo ang mga awto­ridad na pairalin ang maximum tolerance sa mga grupong maglu­lunsad ng kilos-protesta ngayon.

Hindi aniya haha­rapin ng Pangulo ang mga raliyista gaya noong isang taon.

Nauna nang sinabi ni Go, maliban sa accom­plish­ments sa nakalipas na dalawang taon ng kanyang administrasyon ay ihahayag din ng Pa­ngulo ang mga pangu­nahing suliranin ng bansa at mga hakbang na isa­sagawa para malutas ito.

READ MORE:  Special division sa pork trial isinulong

Sa kanyang unang SONA ay naglunsad ng kilos-suporta ang mga makakaliwang grupo at sa ikalawang SONA ng Pangulo ay kilos-protesta na ang isinagawa nila ngunit hinarap sila ng Punong Ehekutibo sa labas ng Batasan Complex.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved