Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mahigpit na yakap, isinalubong ni Vice kay Kris; Direk Paul at Toni, at Coach Chot, may pa-BS ng ILYH
Mahigpit na yakap, isinalubong ni Vice kay Kris; Direk Paul at Toni, at Coach Chot, may pa-BS ng ILYH

Mahigpit na yakap, isinalubong ni Vice kay Kris; Direk Paul at Toni, at Coach Chot, may pa-BS ng ILYH

READ: Tampuhan, isinantabi para kay Bimby

NGAYONG gabi ang pa-block screening nina Direk Paul Soriano kasama ang misis na si Toni Gonzaga at hipag na si Alex para sa pelikulang I Love You, Hater, 7:00 p.m. sa SM Aura, Taguig City.

Bilang suporta ng mag-asawang Paul at Toni sa ninang Kris Aquino ang pa-BS nila sa pelikula. Malapit ang dalawa sa Queen of Online World and Social Media at maraming nagawang maganda rin kaya ito ang one -way para ipakita nila ang kanilang suporta.

READ MORE:  Aiko, dadalhin ng Iranian BF sa Iran

Sa ganap na, 9:00 p.m. sa parehong sinehan ay ang Team Gilas Pilipinas kasama ang coach nilang si Chot Reyes naman ang may pa-block screening ng ILYH kaya naman sobrang nagpapasalamat si Kris sa mga nabanggit dahil hindi niya ito hiningi at kusang ibinigay sa kanya.

READ MORE:  Rocky, nakipag-selfie kay Pacman

Pero bago ang lahat ay nalinawan na ang isyung magkagalit o magka-away sina Kris at Vice Ganda dahil inimbitahan ng huli na manood sila ng I Love You, Hater sa Trinoma Cinema 5 nitong Sabado ng gabi.

READ MORE:  Paulo Avelino balik-Dreamscape magiging karibal ni James sa “On The Wings of Love” (Aktor handa na rin magpakilig sa televiewers)

Sa pagkikita nina Vice at Kris ay walang nakitang bakas na nagkaroon ng tampuhan dahil ramdam mo ‘yung saya nila pareho dahil sinalubong ng una ang huli ng mahigpit na yakap kaya naman naluha-luha si Tetay.

Mas naunang yakapin ni Vice nang mahigpit si Bimby na sobrang na-miss niya.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved