Thursday , October 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz /  Direk Reyno Oposa hindi susukuan ang pagdidirek at pagpo-produce kahit nasulot sa malaking proyekto
 Direk Reyno Oposa hindi susukuan ang pagdidirek at pagpo-produce kahit nasulot sa malaking proyekto

 Direk Reyno Oposa hindi susukuan ang pagdidirek at pagpo-produce kahit nasulot sa malaking proyekto

MEDYO malungkot ang boses ng kaibigan naming director-producer na si Direk Reyno Oposa nang maka-chat namin dahil desmayado siya sa taong pinagkatiwalaan pero tikom muna ang bibig niya sa ngayon at ayaw idetalye kung ano ang ginawa sa kanya ng tinutukoy niyang middle man sa isang malaking proyekto. At mukhang hindi papaapekto si Direk Reyno lalo’t may isang Pinoy daw na nasa Canada ngayon na gustong mag-produce ng movie at siya ang napipisil na mag-direk nito.

READ MORE:  Marlo, umaasa pa ring gagaling ang inang may cancer

Saka maraming alagang artista ang nasabing filmmaker na hindi puwedeng isnabin ang creden­tials dahil nagtapos ng filmmaking sa Toronto Film School at RCC Institute of Tehnology Toronto, Ontario. Tatlong pelikula na rin ang natapos nang i-shoot ang Agulo, Hinagpis ng Gabi, Takipsilim at 9 Na Buwan.

READ MORE:  Best wishes kina Boots at Atty. King

Kabilang sa newcomers at aspiring stars na tinutulungan ni Direk Reyno ang mga alagang sina Lyka Lopez, Celia Castillo, Angela Oposa, Brav Barretto, Jed Kori at ang bini-build-up niyang loveteam nina Amaya Vibal at Tim Rvero (pamangkin sa tunay na buhay).

READ MORE:  Alden, may pagtingin kay Valeen

Basta hindi raw susukuan ni Direk Reyno ang kanyang pagdidirek hanggang hindi nakakapasok ang pelikula niya bilang entry sa mga kilalang local film festivals tulad ng Cinemalaya, Pista ng Pelikulang Pilipino atbp.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved