Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Contractor utak sa Mayor Bote slay — PNP

Contractor utak sa Mayor Bote slay — PNP

TUKOY na ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakakilanlan ng umano’y mastermind sa pagpaslang kay General Tinio, Nueva Ecija Ma­yor Ferdinand Bote.

Iniharap ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde nitong Lunes, ang diagram ng mga suspek sa pagpaslang kay Bote at tinukoy ang isang nagngangalang Christian Saquilabon bilang mastermind.

READ MORE:  Mababang welga ibinida ni PNoy

Isa umanong kontra­tista ng mga proyekto si Saquilabon, at pinani­niwalaang may kinala­man ang negosyo sa pagpatay sa alkalde.

Sinabi ni Police Regional Office 3 director, C/Supt. Amador Cor­pus, tinutugis nila ang hanggang walong suspek sa pagpatay kay Bote.

READ MORE:  Lola patay sa QC fire

Sina Florencio Suarez at Roberton Gumatay, umano’y mga gunman, ay arestado na habang si Arnold Gamboa ay su­mu­ko sa mga awtoridad.

Si Saquilabon, isang nagngangalang Jun Fa­jardo at dalawang John Does ay nakalalaya pa.

READ MORE:  Enrile utak ng plunder, womanizer, kriminal (Resbak ni Miriam)

Si Bote ay lulan ng kanyang sasakyan nang pagbabarilin ng hindi kilalang gunman dakong 4:30 pm noong 3 Hulyo sa labas ng tanggapan ng National Irrigation Admi­nistration sa Cabanatuan City.

HATAW News Team

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved