Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ramona Revilla ‘di kailangan ang showbiz para makabili ng signature na gamit
Ramona Revilla ‘di kailangan ang showbiz para makabili ng signature na gamit

Ramona Revilla ‘di kailangan ang showbiz para makabili ng signature na gamit

KASIKATAN ni Ramona Revilla nang talikuran niya noon ang showbiz at magpakasal sa kanyang Persian engineer husband na si Mr. Frederick Farrell at nabiyayaan sila ng triplet na tulad ni Ramona ay mga diyosa ng kagandahan.

Nasilayan na ang Farrell triplets na sina Fersiana, Freohsyl and Frederie nang mag-guest sila kasama ang kanilang loving Mom (Ramona) sa Magandang Buhay sa ABS-CBN.

In all fairness may kani-kaniyang talent ang bata may marunong kumanta at sumayaw. Nang maimbitahan kami sa get together ni Ramona para sa kaibigang reporter na si Timmy Basil at former manager na si Lito de Guzman sa kanilang mansiyon sa BF Homes Parañaque ay umaapaw talaga sa pagkain na binili sa mamahaling resto.

READ MORE:  Iza, pinayuhang ‘wag munang mag-asawa

Kumanta sa harapan namin ang isa sa triplet ni Monang (palayaw ng sexy actress) at wow sa murang edad she can sing well na at hindi mahiyain.

Naku, dapat kunin na ng mga talent agency ang Farrell triplets para sa TV commercial at baka pagsisihan nila kapag may nakauna sa kanila. Hindi lang si Ramona ang proud sa kanilang daughters siyempre ang daddy rin nilang si Mr. Frederick na kitang-kitang namin kung gaano ka-close sa kanilang mga anak at napaka-supportive rin kay Ramona lalo sa pagsa-shopping ng branded t-shirts, pants, bags ang shoes.

READ MORE:  Dibdib ni Boobsie, palaki ng palaki

‘Yung Gucci T-shirt ng actress, ay nagkakahalaga ng P150,000. At lahat yata ng klase ng LV, Gucci, Givenchy bags ay mayroon siya. Matagal nanirahan sa US ang Farrell family at maraming bansa na ang narating nila kasama ang bakasyon sa mamahaling resort.

Ngayon ay kasalukuyang nasa Japan sina Ramona dahil may magandang oportunidad na dumating na kinuha ng isang multi-million company ang mister na engineer.

READ MORE:  Tagumpay ni Ser Chief, ‘di na mahahadlangan

Sa kanyang latest post makikitang nakasaya sa tren ang nasabing celebrity at inalala niya ‘yung mga panahong nagso-show pa siya rito. At nang active sa showbiz noong 90s si Ramona, ang maipagmamalaki niya ay nasunod ang gusto niya na huwag gumawa ng pelikulang malaswa. Oo pa-sexy siya pero hanggang doon lang at kumita ang majority ng kanyang films.

Ang larawan (family picture) na ating ginamit ay mula sa Corps Elite, Manila.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved