Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Grab panagutin sa malawakang estafa — Solon
Grab panagutin sa malawakang estafa — Solon

Grab panagutin sa malawakang estafa — Solon

HINIMOK ng isang kongresista na panagutin ang Grab sa malawakang estafa kaugnay sa pagpa­taw nito ng ilegal na singil sa kanilang mga suking pasahero.

Ayon kay Rep. Jericho Nograles ng Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-list, niloko ng Grab ang mga suki nila sa pagpapataw ng P2 kada minuto na waiting time sa bawat transaksiyon sa pasahero.

READ MORE:  Sekyu kritikal sa ice pick ng tsuper

Kahapon nag-utos ang Land Transportation Franchising and Regu­latory Board (LTFRB) na pagmultahin ng P10-milyon ang Grab dahil sa pagsingil ng P2 dagdag pasahe sa kabila ng mga aprobadong singil nila.

READ MORE:  Kalusugan ni PNoy maayos (Medical report ‘di ilalabas)

Sinabi rin ng LTFRB na dapat ibalik ng Grab ang sobrang singil nila sa mga suking pasahero sa pamamagitan ng rebates.

Ani Nograles, ang utos ng LTFRB ay nagpapatunay na ang Grab Philippines ay may nagawang ilegal na nakaapekto sa 67 milyong “total rides” mula Hunyo 2017 hangang Abril 2018.

READ MORE:  Roxas kay Binay: “Tama na ang pasikot-sikot at palusot!”

“Nagsinungaling at niloko nila ang mga pasa­hero nila,” ani Nograles.

Sana, ani Nograles, magsilbing babala ang utos ng LTFRB sa iba pang mga kompanya ka­gaya ng Grab na mana­nagot sila sa mga katiwalian.

ni Gerry Baldo

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved