Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Bisa ng Globe prepaid load isang taon na
Bisa ng Globe prepaid load isang taon na

Bisa ng Globe prepaid load isang taon na

INIANUNSIYO ng Globe Telecom na isang taon na ang bisa ng lahat ng prepaid load nito epektibo nitong 5 Hulyo 2018.

“Effective July 5, 2018, all Globe prepaid load, including those with denominations below P300, will carry a one-year expiration period,” pahayag ng Globe.

Ayon sa Globe, dahil dito ay ganap na silang tumalima sa Memorandum Circular No. 05-12-2017 na magkaka­samang ipinalabas ng National Telecommunications Com­mission (NTC), Depart­ment of Information and Com­mu­nications Technology (DICT), at ng Department of Trade and Industry (DTI), na nag­papalawig sa bisa ng lahat ng prepaid load nang isang taon.

Ang kautusan sa one-year validity ng lahat ng prepaid load ng telecommunication com­panies ay nakatakdang ipatu­pad sa lahat ng prepaid load denominations simula noong 5 Enero 2018, ngunit humiling ang kompanya ng palugit, na pinagbigyan naman ng DICT.

Noong 6 Enero, sinimulan ng Globe ang pagpapatupad ng one-year expiration period para sa prepaid load na nagkakahalaga ng P300 at pataas.

”We are grateful to the NTC, DICT and DTI for giving us ample time to prepare for the smooth and seamless implementation of the extension of the expiration period across all deno­minations,” wika ni Globe Corporate Communications Head Yoly Crisanto.

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved