Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 5-anyos leukemia patient birthday boy sa Palasyo
5-anyos leukemia patient birthday boy sa Palasyo

5-anyos leukemia patient birthday boy sa Palasyo

NATUPAD ang birthday wish ng 5-anyos batang lalaki na may leuke­mia na makasama si Pangulong Rodrigo Du­ter­te sa kanyang kaara­wan kamakalawa.

Nagdiwang ng kan­yang kaarawan kamaka­lawa si John Paul kaya nag­laan ng oras ang Pa­ngulo kahit nasa kasag­sagan ng cabinet meeting, para harapin ang bata na matapang na sinasagupa ang karamdaman na leukemia.

READ MORE:  PH ginagamit na pato sa US$5-T world trade (Sa South China Sea issues)

Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, isa si John Paul sa mga benepisaryo ng P1 milyon napanalunan ng Malacañang basketball team na ibinigay ng koponan sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC).

READ MORE:  39 party-list groups tinanggal ng Comelec

Unang nakilala ni Go si John Paul nang bumi­sita ang kalihim sa Philip­pine Children’s Hospital at dalawang beses nanood ng laro ng koponan ng Malacañang sa Pasig at Araneta Center sa Cubao, Quezon City.

READ MORE:  Walang puwedeng magdikta sa Senado (Kahit si Digong) — Sen. Lacson

Magugunitang mala­pit si Pangulong Duterte sa mga batang may ka­ramdaman at patunay rito ang pagta­tayo niya ng House of Hope sa Davao City na nagsisilbing pansamantalang tahanan ng mga batang may sakit na cancer.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved