Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / PH katolikong bansa
PH katolikong bansa

PH katolikong bansa

READ: Aprub sa CBCP at kay Digong: Tigil-putakan

READ: 3 araw na ayuno at panalangin hirit ng CBCP

DAPAT ipaalala ng Simbahan kay Pangulong Rodrigo  Duterte na ang Filipinas ay isang Kristi­yanong bansa sa Asya.

Sinabi ito ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat kaha­pon habang nag-uusap si Duterte at si Archbishop Romulo Valles, ang pre­sidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)

READ MORE:  Maria Ozawa inisnab ni PNoy

Ani Baguilat, sana pinaalahanan ni Arch­bishop Valles si Pang. Duterte na ang karami­hang tao sa bansa ay Kristiyano.

Ang mga bertud ng pagsasa-Diyos, kasama na ang mga Islam na Filipino ay importante sa kolektibong pag-iisip ng mga tao.

“Our faith is usually what defines our positive actions in our daily lives (Ang ating paniniwala ay karaniwang nagtatakda ng positibong pagkilos sa ating araw-araw na pamumuhay),” ani Ba­guilat.

READ MORE:  SUPPLIER NG DROGA TUTUGISIN — PNP NCRPO

Ang pagkuwestiyon, ani Baguilat,  kung tunay ang Diyos ay isang paglapastangan sa kanya, ang pagpuna sa mga turo ng Simbahan at pagde­monyo sa mga nakata­taas na miyembro ng simbahan ay hahantong sa pagkakahati ng bansa.

READ MORE:  HS student inutas sa Pampanga resort

“It is not unifying. It is polarising and troubling even for those who want to support the President. (Hindi nagkakaisa. Naha­hati at nakababahala pati na roon sa gustong sumo­porta sa Presidente),” paliwanag ni Baguilat.

Aniya, dapat ipaala­ala ni Valles kay Duterte na ang relihiyosong pani­niwala ay hindi pinag-uusapan bilang pam­publikong patakaran.

(Gerry Baldo)

COMMENTS

About Gerry Baldo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved