Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Lassy, ibang klaseng magpatawa
Lassy, ibang klaseng magpatawa

Lassy, ibang klaseng magpatawa

AYON sa naging kuwentuhan namin ni Lassy, isa sa mga bidang beks sa pelikulang Wander Bra ng Viva Films at Blue Rock Entertainment Productions mula sa direksiyon ni Joven Tan, mahaba-haba ang kanyang ginagampanang role sa  pelikula na pinagbibidahan nina Kakai Bautista at Myrtel Sarroza na hopefully ay mapapasama ngayong taon sa Pista Ng Pelikulang Pilipino.

Pansin ko na rin ang kakaibang galing ni Lassy sa lahat ng pelikulang ginawa niya kahit sabihin mong support lang siya. Ibang klase rin umarte ang beks na ito at matatawa ka talaga sa bawat bato niya ng kanyang linya.

READ MORE:  ER Ejercito, talbog ang mga trapo!
READ MORE:  Nora Aunor, bilib kay Direk Perci Intalan

Eh mukha pa nga lang niya ay matatawa ka na!

Maraming komedyante sa showbiz, pero si Lassy, ibang klase ang palibomba. kung hindi ka magaling na aktor, kapag kaeksena mo si Lassy, malulunod ka sa kanya.

Natutuwa ako sa pag-ayos ng buhay ng comedian-actor-performer na ito. Sabi ko nga sa kanya, kailangan mo ng mag-level up Lassy! Napapanahon na! Magaling ka at marami ang susuporta sa iyo.

READ MORE:  Nonito sa pagiging ama: walang katumbas na pakiramdam

Words from my mouth at ramdam kong sisikat si Lassy! Pakahusay eh!

REALITY BITES
ni Dominic Rea

COMMENTS

About Dominic Rea

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved