Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Siklesta dedbol sa bundol ng truck
Siklesta dedbol sa bundol ng truck

Siklesta dedbol sa bundol ng truck

PATAY ang isang siklesta makaraan mabundol ng isang trailer truck sa Pasay City, nitong Martes ng gabi.

Wala nang buhay nang idating sa San Juan De Dios Hospital ang lalaking tinatayang nasa 60-65 anyos, nakasuot ng puting t-shirt at maong na pantalon, at may mga sugat sa ulo at katawan.

READ MORE:  Benepisyo sa naulila ng pinaslang na hukom lusot sa House Committee

Habang nasa kustodiya ng Pasay City Traffic Police ang driver ng trailer truck na si Orlando Guitang Agustin Jr., 34, residente sa Irasan Street, Brgy. San Dionisio, Parañaque City.

Base sa inisyal na ulat na ipinarating ng Southern Police District (SPD), nangyari ang insidente sa southbound lane ng Roxas Boulevard, EDSA flyover sa Pasay City, dakong 8:00 ng gabi.

READ MORE:  Sumaklolo sa kaibigan natodas sa ratrat

Binabaybay  ng tractor trailer truck, na may plakang AUA 9686, na minamaneho ni Agustin, ang southbound lane ng Roxas Blvd., nang pagsapit sa naturang flyover ay nasagi ng kaliwang gulong ng sasakyan ang bisikleta ng biktima.

READ MORE:  Marcos sa Libingan ng mga Bayani pinagtibay ng SC

Pagkaraan ay nakalad­kad ang biktima na nagre­sulta sa matinding sugat sa kanyang ulo at katawan.

 (JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved