Friday , April 26 2024
Tanauan City Mayor Antonio Halili sings the national anthem at the New Tanauan City Hall, Barangay Natatas, Batangas a few seconds before he was shot by a still-unidentified gunman on Monday, July 2, 2018. Photo by Tanauan City Information Officer

Pagpaslang kay Halili kinondena ng Palasyo

KINONDENA ng Pala­syo ang pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili habang dumadalo sa flag raising ceremony sa city hall kahapon.

“Kinokondena po natin itong pagpatay kay Mayor Halili. [jc] Sa pamilya, at sa mga constituent ni Mayor Halili, bibigyan natin sila ng katarungan. Iimbes­tigahan, lilitisin ang mga tao na nasa likod ng pagpatay kay Mayor,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Nanawagan si Roque sa publiko na hintayin muna ang resulta ng imbestigasyon sa pagpaslang kay Halili.

Naging pamoso si Halili sa inilunsad na shame campaign sa petty criminals sa kanilang lungsod, kasama ang mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Sa bisa ng National Police Commission Reso­lution noong 30 Oktubre 2017 ay tinanggalan si Halili ng kontrol sa lokal na pulisya bunsod nang pagkakasama sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *