Friday , April 26 2024

STL kontrolado ng Jueteng lords

WALANG plano si Pa­ngulong Rodrigo Duter­te na tuldukan ang kontrol ng jueteng lords sa small town lottery (STL) ng Philippine Charity Sweep­stakes Office (PCSO).

Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Davao City kamakalawa, hinahayaan lang niya na sakyan ng jueteng lords, maging ang lotto, dahil ito na ang sistemang kanyang dinatnan.

“If I cannot replace it — itong, with a strong — itong lotto, hayaan ko muna kasi nandiyan na ‘yan e. Ang mga jueteng lords are lording it over even sa lotto. Sinasakyan nila. So hindi ko man ma­hu­li lahat,” ani Duterte.

Anang Pangulo, ka­pag hinuli ang lahat ng STL at jueteng operations ng jueteng lords na wa­lang ipapalit na economic activity marami ang mawawalan ng trabaho at magugutom.

“Ngayon kung wala akong pampalit sa jue­teng, ano ang gawin ko? Madali lang man ‘yan. ‘Pag may isang sugal na nambara, sabihin ko, ‘Relyebo ka, umalis ka riyan. Ikaw…’ Hulihin man nila ‘yan lahat. Then what is the activity — economic activity? Wala. E kung may jueteng, may pasan, At least umiikot ‘yung pera. ‘Yung iba gutom pero ‘yung iba naman kumakain and there’s a commercial activity there. If I cannot replace it — itong, with a strong — itong lotto, ha­ya­an ko muna kasi nan­diyan na ‘yan e,” dagdag niya.

Pinag-aaralan aniya ng kanyang gabinete ang pagkakaroon ng bagong sistema na maggaga­rantiya ng kita sa gob­yerno at hindi puro sa bul­sa lang ng jueteng lords ang ganansiya.

“I’m just maybe brainstorming with everybody in the Cabinet of how to come up with a system that would guarantee income to the government but allow ‘yung ano lang. I do not want — mahirap ‘yang puro sugal lang sa isip. It’s a temptation,” anang Pangulo.

Noong 15 Setyembre 2016, isiniwalat ni Pangulong Duterte na mahigit kalahating bil­yong piso ang nawawala sa PCSO at napupunta sa bulsa ng sindikato dahil sa korupsiyon.

Sa kanyang talumpati sa pagbisita sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan, sinabi ni Pangu­long Rodrigo Duterte na nakipagsabwatan ang nakaraang adminis­tras­yon ng PCSO sa gambling lords para maging prente ng jueteng ang STL at lotteng naman sa lotto.

Dahil sa nasabing sabwatan ay nalulugi nang P20-M kada araw o P600-M bawat buwan ang PCSO.

Napaulat na nakako­po ng franchise sa STL, lotto, KENO noong admi­nis­trasyong Aquino ay mga gambling lord.

Giit ng Pangulo, kaya niya itinalaga si ret. Marine general Alex Balutan bilang bagong general manager ng PCSO ay dahil isa siyang ‘berdugo’ na inaasahan niyang bubuwag sa sindi­kato sa nasabing ahen­siya.

Paliwanag niya, kaya niya binawi ang unang appointment ni Balutan bilang hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) ay dahil kaya na ng Special Action Force (SAF) ang trabaho sa New Bilibid Prison (NBP).

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *