Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 preso namatay sa selda ng QCPD
2 preso namatay sa selda ng QCPD

2 preso namatay sa selda ng QCPD

BUNSOD nang kasiki­pan at sobrang init sa loob ng selda ng Quezon City Police District Novaliches Police Station 4, dalawang preso ang binawian ng buhay, ini­ulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), unang namatay si Alex Canono Andaman, 41, hair stylist, at residente sa Ma­xima St., Brgy. Gulod, Novaliches.

READ MORE:  Malaya kang kumalas sa admin (PNoy kay Binay)

Si Andaman ay na­ku­long dahil kasong pag­labag sa PD1602 (Anti-Illegal Gambling). Siya ay namatay dakong 8:50 am nitong 18 Hunyo habang ginagamot sa Novaliches District Hospital.

Nakitaan ng mga sakit sa balat si Andaman na hinihinalang naging dahilan ng kanyang pag­ka­matay.

READ MORE:  6-anyos sugatan sa inihagis na trolley ng guro

Habang binawian ng buhay ang isa pang preso na si Genesis Careboy Agoncillo, 22, kahapon ng madaling-araw.

Si Agoncillo, 22, hel-p­er, at residente ng Area B, Sitio Cabuyao, Brgy. Gu­lod Novaliches, Quezon City, ay nakulong sa ka­song alarm and scandal noong 15 Hunyo 2018.

Sa imbestigasyon, dakong 5:00 am, napan­sin ng presong si Marlon Gantala na nahihirapang huminga si Agoncillo.

READ MORE:  Koreano itinumba sa Caloocan

Agad ipinagbigay-alam ni Gantala kay PO3 Dennis Saño, duty jail officer, ang insidente kaya isinugod sa No­valiches District Hospital si Agoncillo ngunit idine­klarang dead-on-arrival ng attending physician na si Dr. Jethiel Fabon.                             (ALMAR DANGUI­LAN)

COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved