Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sa Misamis Oriental: Bunkhouse nasunog, 200 trabahador nakaligtas
Sa Misamis Oriental: Bunkhouse nasunog, 200 trabahador nakaligtas

Sa Misamis Oriental: Bunkhouse nasunog, 200 trabahador nakaligtas

OPOL, Misamis Oriental – Natu­pok ang bunkhouse ng 200 construction worker sa Brgy. Igpit sa bayang ito, nitong Saba­do ng umaga.

Nakaalis na para magtra­baho ang ilan sa mga mang­gagawa ng Equi-Parco con­struc­t­ion company nang mapan­sin ng mga kasamahan ang makapal na usok mula sa isa sa mga kuwarto ng dalawang palapag na bunkhouse.

READ MORE:  6 habambuhay kulong sa P2-B drug case

Sinubukan ngunit nabigo ang mga trabahador na apulain ang apoy, na lumaki agad dahil sa malakas na hangin.

READ MORE:  B-day message kay FM sa Official Gazette inulan ng batikos

Natupok na ang 150 kuwarto ng estrukturang gawa sa light materials bago na­karating ang mga awtoridad, sabi ng imbes­tigador na si Harold Cabasan.

READ MORE:  12 NBP inmates haharap sa Kamara vs De Lima (Sa illegal drug trade)

Nasa P180,000 umano ang halaga ng ari-ariang natupok ng apoy.

Walang trabahador na nasaktan sa nasabing insidente.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved