Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / NCV Productions ni Nora, bubuhayin
NCV Productions ni Nora, bubuhayin

NCV Productions ni Nora, bubuhayin

HUMAHANAP lang ng mapagsisingitan ng kanyang busy schedule, pero nakatakdang i-revive ni Nora Aunor ang kanyang NCV Productions.

Sa ngayon ay abala ang Superstar sa kanyang teleserye sa GMA (na hindi pa umeere). Sa kasagsagan ng kasikatan noon ni Ate Guy ay itinatag niya ang NV Productions.

Later, pinangalan niya itong NCV Productions o mga initial ng kanyang pangalan, Nora Cabltera Villamayor.

READ MORE:  Mga Taong Ibon, tiklop ang pakpak sa mga bampira at lobo

Sa kasamaang palad nga lang, bagama’t de kalidad ang mga pelikulang ipinrodyus nito noon ay may kung anong problema ang kinaharap nito. Ilang taon ding natigil ang pagpo-produce nito.

With plans of relaunching her own film outfit ay balitang ikina-cast na ni Ate Guy sina Dan Alvaro at Gardo Versoza.

Si Dan ang leading man ni Nora sa NCV-produced na Condemned noong 1984 sa ilalim ng direksiyon ng yumao nang si Mario O’Hara. Si Gardo nama’y nakasama ni Nora sa isang teleserye sa GMA last year.

READ MORE:  Kim, super-tuwa at aliw sa snow sa Canada

Hamon para sa Noranians ang pagbabalik-producer ni Ate Guy aside from starring in the movie, of course.

Alam naman kasi nating lahat na majority sa mga tagahangang ‘yon ay walang dudang idinadambana nila ang kanilang idolo, pero pagdating sa pagsuporta ng mga pelikula ni Nora sa pamamagitan ng pagpila at panonood ay kapos.

READ MORE:  Birthday gift for Mayor Lani, ibigay na lang sa mga nasunugan

Samantala, nominado na naman si Ate Guy bilang National Artist for Film na ipinagkait sa kanya ang award noong aministrasyong (PNoyAquino.

Masungkit na kaya ‘yon ni Ate Guy this time na balitang napolitika noon?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved