Thursday , August 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P163-M shabu kompiskado mag-ina arestado

P163-M shabu kompiskado mag-ina arestado

INIHARAP sa media nina PNP chief, Director General Oscar Albayalde, DILG OIC Eduardo Año at NCRPO chief, C/Supt. Guillermo Eleazar ang kompiskadong P163 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang mag-ina sa ikinasang buy-bust operation sa Sta. Ana, Maynila. (ALEX MENDOZA)

KOMPISKADO ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) Drug Enforcement Team ang 24 kilo ng hinihinalang sha­bu, tinatayang P163 milyon ang street value, sa arestadong mag-ina sa buy-bust operation sa Sta. Ana, Maynila, nitong Martes ng gabi.

READ MORE:  Kelot hinalay ng therapist

Kinilala ni NPD director, C/Supt. Aman­do Empiso ang ares­tadong mag-ina na sina Ruby Calabio, 61, at Ian Akira Calabio, 26, kapwa residente sa 2541 Interior 21, Pasig Line, Brgy. 778, Zone 85, Sta. Ana, Maynila.

Ayon kay Empiso, unang nadakip ng mga tauhan ng Caloocan Police Station Drug Enforce­ment Unit sa buy-bust operation sa harap ng MCU Hospital, ang dalawang hinihinalang drug pusher na sina Luzviminda Basilio, 26, at Jocelyn Santos, 28, sa harap ng isang fastfood chain sa EDSA MCU, Brgy. 81 dakong 5:45 pm at inginuso nila si Ian Akira na kanilang source ng ilegal na droga.

READ MORE:  Ex-DSWD Sec Dinky Soliman sisingilin (Sabit sa multi-bilyong Yolanda fund scam)

Agad nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU ng follow-up buy-bust operation, sa pangunguna ni S/Insp. Cecilio Tomas, Jr., kontra sa mga suspek dakong 11:15 pm, sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) at Manila Police District (MPD).

READ MORE:  Retiradong parak, patay nang mahagip ng kaanak ni Pacman

Makaraang makabili ng tatlong plastic sachet ng shabu, na P30,000 ang halaga, ang poseur buyer na si PO1 Elouiza Andrea Dizon, sa mga suspek sa loob ng kanilang bahay ay agad silang inaresto ng mga operatiba.

Nang halughugin ng mga operatiba ang bahay ng mga suspek, natag­puan nila ang silver luggage bag na nagla­la­man ng 24 kilo ng hini­hinalang shabu, na tinatayang P163 milyon ang street value.

ni ROMMEL SALES

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved