Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris kay Ipe — ‘Di niya kami ginamit o ginulo
Kris kay Ipe — ‘Di niya kami ginamit o ginulo

Kris kay Ipe — ‘Di niya kami ginamit o ginulo

NAG-POST si Kris Aquino sa kanyang Instagram account ng picture niya at ng dalawang anak na sina Josh and Bimby, na nasa loob sila ng isang eroplano.

Sa comment section, isang netizen na may  user name na @no_name5284 ang nagsabi na, “Swerte ni Phillip S. walang ginastos yata ni isang piso kay joshua!, ang mahal kaya magpalaki at bumuhay ng special child. Kaya pasalamat si Phillip kay Kris, mayaman si Kris.”

Ang Phillip S na tinutukoy ng netizen ay si Phillip Salvador na ama ni Joshua.

READ MORE:  Gusto’y kangkangan lang at walang kasal!

Sa comment na ‘yun ng netizen, nag-reply sa kanya si Kris. Sabi nito, “No issue at all. Kasi hindi niya kami ginulo or ginamit pang publicity. Kaya grateful ako,”

Base sa reply ni Kris, pinatatamaan kaya niya ang dati rin niyang nakarelasyon na si James Yap?

READ MORE:  Enrique, tinamaan sa ganda ni Julia

Noong na-interview kasi si James sa TV Patrol noong 2013, noong kao-open pa lang ng isang bar, na part owner siya, sinabi niya sa interview niya na  hindi raw ipinahihiram ni Kris sa kanya ang anak na si Bimby. Miss na miss na nga niya ito dahil matagal niya na itong hindi nakikita.

READ MORE:  May sakit na fan, dinalaw nina Alden at Maine

Na noong mapanood ni Kris ang interview na ‘yun, sabi niya, ginagamit lang sila ni James para mapag-usapan ang bar.

So, si James nga kaya ang pinatatamaan ni Kris?

MA at PA
ni Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved