Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / PCP chief Estrada natakot sa media — Eleazar
PCP chief Estrada natakot sa media — Eleazar

PCP chief Estrada natakot sa media — Eleazar

NAGPALIWANAG kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director, C/Supt. Guill­ermo Eleazar ang sinibak na hepe ng CCP Complex Police Community Pre­cinct (PCP) 1 kaug­nay sa kanyang pagtakas mula sa kanyang tangga­pan sa isinagawang sorpresang inspeksiyon sa Pasay City, nitong Lunes ng madaling araw.

Tinanggal si Chief Inspector Allan Estrada nang hindi makita at makontak nang mag-inspeksyon sa PCP-1 sa CCP Complex sa lungsod ng Pasay.

READ MORE:  Cebu Pac kasado vs pekeng sales agents (Sa tulong ng PNP)

Bukod kay Eleazar naroon din ang hepe ng Pasay City Police na si S/Supt. Noel Flores, nang humarap at magpaliw­anag si Estrada.

Sinabi ni Eleazar, dumepensa si Estrada na naroon lang siya sa loob ng kanyang kuwarto sa PCP ngunit natakot siya­ng lumabas dahil nasilip niyang nakapaligid ang media sa inspeksiyon.

Katuwiran niya sa dalawang opisyal, baka siya ay mapahiya kapag humarap siya sa media, kaya’t tumakas na la­mang siya sa backdoor ng kanyang opisina.

READ MORE:  Public schools, gov’t offices walang pasok

Ang paliwanag ni Estrada ay hindi lumusot sa opisyal dahil dapat daw ay sinagot man lamang ni Estrada ang cellphone niya nang siya ay tinatawagan.

“Hindi niya sinasagot ang cellphone at pinatay pa niya nang mga oras na tinatawagan siya. Bakit siya matatakot sa media e andoon naman siya sa loob ng kanyang tangga­pan kahit madaling-araw at hindi naman siya tulog at kompleto ang kanyang mga tauhan at hindi rin natutulog”  pahayag ni Eleazar.

READ MORE:  Pull out coal now

Ayon kay S/Supt. Flores haharap din sa imbestigasyon si Estrada, at doon malalaman kung dapat bang sampahan ng kaso.

Hindi nagbigay ng anomang pahayag si Estrada sa mga mama­mahayag makaraan si­yang humarap kina Eleazar at Flores.

(JAJA GARCIA)

 

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved