Tuesday , June 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / KCAP staff at mga household ni Kris, pinaaga ang Pasko
KCAP staff at mga household ni Kris, pinaaga ang Pasko

KCAP staff at mga household ni Kris, pinaaga ang Pasko

ANG bongga talaga ni Ms. Kris Aquino. Ito ang karaniwan naming naririnig o nababasang komento sa mga social media account ng tinaguriang Queen of Social Media.

Bukod dito’y kinainggitan pa ang mga household at KCAP staff ni Aquino dahil last Friday, ibinigay na ni Kris ang kanilang 13th month pay. Kaya napaaga ang kanilang Pasko.

Sinasabing maganda ang mood ni Kris noong Biyernes dahil kasabay niyon ang pagre-renew ng NBS sa kanilang partnership.

Ayon nga sa balita ng staff ni Kris na si Jack Salvador, pagkatapos nilang mag-shoot ng webisode para sa brand partner nilang National Book Store sa SM Megamall ay namili na rin sila ng mga gamit ni Bimby sa school at isinabay na rin ang sa mga anak nila.

Overwhelming naman ang mga nag-abang kay Kris pagkatapos niyang mag-shoot sa NBS ng dalawang oras na aniya nga, ”I shot for 2 hours for @nationalbookstore in @smsupermalls @smmegamall& they patiently waited. THANK YOU for the #lovelovelove.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved