Saturday , June 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ynez Veneracion, magkokontra demanda ng libel at cyber crime
Ynez Veneracion, magkokontra demanda ng libel at cyber crime

Ynez Veneracion, magkokontra demanda ng libel at cyber crime

BINUWELTAHAN nina Ynez Veneracion at Joel Cruz ang Brunei-based business woman na si Ms. Kathelyn Dupaya as ginanap na ika-lawang presscon nito recently. Kakasuhan din nila ito ng libel dahil umano sa mga paninirang puri na ginawa sa kanila.

Nauna nang nag-file ang negosyanteng si Cruz ng kasong estafa kontra kay Dupaya sa QC RTC kaugnay sa PHP40M na utang nito sa kanya.

Ang aktres naming si Ynez ay ipinahayag ang kanyang sama ng loob sa mga sinabi ni Ms. Dupaya sa kanya. Kaya ayon sa aktres, hindi na siya magpapapigil sa pagsasampa niya ng demanda.

“Magpa-file po ako ng cyber crime and libel po, kasi pina-print out ko po lahat ng pagmumura niya sa akin, nandiyan po lahat iyon,” saad ni Ynez habang ipinapakita sa press ang mga naturang dokumento.

Ipinahayag pa ng aktres na hindi totoong special child ang anak ni Ms. Dupaya kundi pipi lang daw ito. Idinagdag pa niyang hindi nila hina-harass ang anak ni Kathy, dahil ito raw ang nakikipagkomunikasyon sa kanila ni Sunshine.

“Ang totoo po ay galit kay Kathy ang anak niya. Hindi raw siya binibigyan ng pera, casino raw nang casino ang nanay niya. Depressed po ang bata, post siya nang post ng depression niya sa account niya.

“Kami naman ni Sunshine, dahil itinutu­ring nga naming friend si Kathy, pinayuhan namin ang anak niya. Magaganda ang mga messages na ipinadadala namin ni Sunshine para mawala ang depression ng bata.

“Iniiba lang niya ang issue. Bakit iyon ang sinasabi niya, pera ang pinag-uusapan namin? Pera namin na hindi niya binabayaran ang issue, hindi ang anak niya,” paliwanag pa ni Ynez.

Samantala, hindi nakadalo sa ginanap na joint presscon si Joel dahil nasa Los Angeles ito at ang abogado niyang sina Atty. Topacio at Atty. Jasmin Sy ang kumatawan sa kanya. Pero nagsalita rin ang tinaguriang Lord of Scents sa pamamagitan ng live phone patch.

Ayon naman kay Atty. Sy, magsasampa sila ng kasong libelo dahil sa ginawang paninira ni Dupaya sa Afficionado perfume nila na umano’y expired na raw ang mga produkto at hindi sila nagbabayad sa BIR.

Ipinakita ng mga legal counsel ni Joel ang mga ebidensiya ng transaksyon nila kay Ms. Dupaya na nagpapatunay na ang ibinigay nilang mga produkto sa negosyante na nagkakahalaga ng mahigit kalahating milyon ay may expiration date na 1 year and 2 months.

Hindi rin daw totoong hindi sila nagbabayad ng buwis dahil kompleto ang kanilang dokumento na magpapatunay na malinis ang record nila sa BIR.

ALAM MO  NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved