Saturday , June 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bobot at Alma, marunong magpakilig ng viewers
Bobot at Alma, marunong magpakilig ng viewers

Bobot at Alma, marunong magpakilig ng viewers

ALIW ang netizens na nanonood ng Sana Dalawa Ang Puso kina Bobot Mortiz at Alma Moreno dahil marunong pa ring magpakilig at hindi nagpapatalo kina Leo (Robin Padilla), Martin (Richard Yap), at Lisa/Mona (Jodi Sta. Maria).

Napapanood din namin sina Mangs (Alma) at Pangs (Bobot) na tawag ng anak nilang si Mona at totoo nga, may mga pahapyaw silang lambingan din on the side.

At magandang halimbawa rin ang tambalan nina Alma at Edgar sa mga mag-asawang nakakapanood ng Sana Dalawa Ang Puso dahil pawang good vibes lang ang hatid ng dalawa at supportive sa kanilang anak na si Mona.  Kahit na may gusot ang mag-asawa ay hindi nila ito pinatatagal at pinag-uusapan nila bago matulog.

Samantala, mukhang magpo-propose na si Leo kay Lisa dahil nagpapatulong na siya kay Mona kung anong klaseng singsing ang bibilhin  bagay na narinig ni Martin kaya nagalit siya sa huli.

Sa tindi ng galit ay mabilis na pinatakbo ni Martin ang kotse kasama si Mona na dahil sa sobrang bilis ay nahilo at nagsuka sa magarang sasakyan ng una.

Ang tanong, ano ang gagawin ni Martin ngayong narinig niyang may fiancé na si Lisa? Mababaling na kaya kay Mona ang pagtingin niya tutal lagi naman silang magkasama at hindi na niya pasasakayin ang dalaga.

Abangan ang Sana Dalawa Ang Puso bago mag-It’s Showtime.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved