Saturday , June 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Yaya nina Joshua at Bimby, niregaluhan ni Kris ng Cartier necklace with diamonds
Yaya nina Joshua at Bimby, niregaluhan ni Kris ng Cartier necklace with diamonds

Yaya nina Joshua at Bimby, niregaluhan ni Kris ng Cartier necklace with diamonds

DALAWANG tao ang napasaya ni Kris Aquino kahapon, Hunyo 4, mismong kaarawan ng panganay niyang si Joshua Aquino na edad 23, ang may kaarawan at si Yaya Bincai.

Bukod kasi sa regalong vintage watch (Rolex) ni Kris sa anak ay niregaluhan din niya si Yaya Bincai ng Cartier necklace with diamonds.

Nagdiwang din kasi ng sampung taong anibersaryong paninilbihan si Yaya Bincai sa pamilya ni Kris na panahon pa ni ex-President Corazon CojuangcoAquino na nang mawala na ay napunta na kay Kuya Josh.

Deserving din naman ni Yaya Bincai ‘di ba Ateng Maricris.

Samantala, si Josh mismo ang pumili ng vintage watch na gusto niya kaya binili kaagad ito ni Kris sa isang vintage store.

Ang caption ni Kris sa litratong suot ng anak ang relong regalo nila ni Bimby, “his lola Cory always said when celebrating a birthday dapat naka RED. So for now ‘yung border muna ng picture. I let Kuya choose his gift- kaya feeling watch model siya in this picture.  Medyo hard to find 2 tone dial named after a soft drink na limited production so we went to a trusted vintage store we patronize here in Tokyo. 

“Binata na talaga my panganay, mahilig na sa watches. I am practical, our collection is a mix of brand new, pre-owned, vintage, limited editions, customized, and those that are no longer in production again- thank you for allowing me to give these 2 boys the very best of me because of your genuine love & support for the 3 of us. Admittedly, I was a mom too early & under less than ideal circumstances- but God found a way for me to set my life’s path in the right direction because of these 2 boys beside me.

“May God let all of you feel our heartfelt gratitude for all the blessings we have because of you. Happy 23rd birthday Kuya Josh. Bimb & I love you with every beat of our hearts. Thank you for inspiring us to always be gracious, generous, and respectful #family.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved