Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Babaeng SAF positibo sa droga
Babaeng SAF positibo sa droga

Babaeng SAF positibo sa droga

POSITIBO sa droga ang miyembro ng Special Action Force (SAF) na inaresto nitong Sabado, ayon kay Philippine National Police chief, Director General Oscar Albayalde nitong Lunes.

Si PO3 Lyn Tubig ay iniharap sa media nitong Lunes, dalawang araw makaraan arestohin habang bumabatak umano ng shabu kasama ng kanyang boyfriend at ama ng huli sa Taguig City.

“She tested positive sa illegal drugs,” ayon kay Albayalde. “The result just came out.”

READ MORE:  Holdaper utas sa enkwentro

Ang 30-anyos na si Tubig ay dating nakatala­ga sa 44th Battalion sa Camp Bagong Diwa.

Kasama niyang ina­resto ang kanyang boy­friend na si Vincent German, 21, at ama ng huli na si Fernando German.

Nauna rito, sinabi ni National Capital Region Police Office head, C/ Supt. Guillermo Eleazar, si Tubig ay 11 taon na sa serbisyo.

READ MORE:  14-anyos totoy nagbigti (Nakipag-away sa utol dahil sa bigas)

Samantala, idine­pensa ni Albayalde ang pagharap sa media sa aku­sadong pulis, sina­bing hindi ito bahagi ng shame campaign.

“It is not a shame campaign,” aniya. “It’s not for anything else. We just want to be fair to the public, the Filipino people. Hindi porke pulis ay itinatago natin.”

Bukod kay Tubig, 10 Bulacan policemen na inakusahan ng extortion, ang iniharap din sa media nitong Lunes.

READ MORE:  Lim ibabalik boto mahigpit na babantayan – BOFWO

Sinabi niyang ang pag-aresto sa tiwaling mga pulis, “will bring a strong signal already to our men in uniform” laban sa paggawa ng krimen.

“Alam naman nila na we are dead serious with our internal cleansing, discipline and also professionalism namin in our ranks,” pahayag ni Albayalde.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved