Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Jeron Teng, 2 cagers sugatan sa rambol
Jeron Teng, 2 cagers sugatan sa rambol

Jeron Teng, 2 cagers sugatan sa rambol

SUGATAN si Philippine Basketball Association player Jeron Teng at mga kasamang sina Norbert Torres at Thomas Torres maka­raan saksakin sa naga­nap na rambol sa Taguig City, nitong Linggo ng umaga.

Arestado ang mga suspek na sina Edmar Manalo, 40; Joseph Varona, 33; at Willard Basili, 38-anyos.

READ MORE:  Petisyon vs BBL inihain sa SC

Isinugod sa Saint Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City ang mga biktimang sina Alaska rookie Teng, 24; Norbert, 28, player ng Rain or Shine; at Thomas Christopher, 23, dating La Salle guard.

Sinasabing sinaksak sa likod si Teng habang sa braso ang kanyang mga kasamang sina Norberto at Thomas Torres.

READ MORE:  Ginang itinumba sa harap ng pamilya (Sumuko bilang drug personality)

Ayon sa ulat ng Taguig Police, nangyari ang insidente sa labas ng Early Night Club Fort Strip sa BGC, dakong 2:30 ng madaling-araw.

Naglalakad umano ang tatlong basketball player nang biglang komprontahin ng mga suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo at pananaksak.

READ MORE:  Ping Lacson galit sa sinungaling

Agad nahuli ng mga tauhan ng Police Com­munity Precinct (PCP-7) ang tatlong suspek habang dinala sa paga­mutan ang sugatang mga biktima.

Nakatakdang sampa­han ng kaukulang kaso ang tatlong suspek sa Taguig City Prosecutor’s Office. (JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved