Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ex-PM ng Denmark bumisita kay Mayor Tiangco
Ex-PM ng Denmark bumisita kay Mayor Tiangco

Ex-PM ng Denmark bumisita kay Mayor Tiangco

NAG-COURTESY CALL ang dating Prime Minister ng Denmark na si Helle Thorning-Schmidt kay Mayor John Rey Tiangco sa kanyang opisina sa Navotas City Hall.

Bilang Chief Executive Officer ng Save the Children, sinuri ni Thorning-Schmidt ang mga programa at aktibidad ng lungsod na may kinalaman sa nutrisyon.

READ MORE:  Globe brings Marvel Studios’ Black Panther to select schools

Sa pamamagitan ng Navotas City Health Office, iniulat ni Tiangco na ang Navotas ay may Operation Timbang Plus, Community Deworming and School Monitoring, Supplemental Feeding Program, Micronutrient Supplementation Program, at iba pa.

READ MORE:  Krystall Herbal Oil epektibo rin sa pusa at sa iba pang alaga

Mula 2.06% noong 2016, ang malnutrition rate ng lungsod ay lumagpak sa 1.6% noong nakaraang taon.

Nang tanungin ni Thorning-Schmidt kung ano ang ins­pirasyon niya sa kanyang patuloy na suporta sa progra­mang pang-nutrisyon ng lungsod, sagot ni Tiangco, “Pamilya.”

READ MORE:  Hanap new Friends & Textmates

“Tulad ng bawat Filipino, pinapahalagahan ko ang aking pa­milya. Gusto natin na sila ay ligtas, malayo sa sakit, at may magandang oportunidad sa buhay. Masisiguro lang natin ‘yan kung sila ay malusog at may wastong nu­t-risyon,” aniya.

(JUN DAVID)

COMMENTS

About Jun David

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved