Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Trade, labor, energy kinalampag ni Digong (Kalasag kontra TRAIN)
Trade, labor, energy kinalampag ni Digong (Kalasag kontra TRAIN)

Trade, labor, energy kinalampag ni Digong (Kalasag kontra TRAIN)

KINALAMPAG ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang tatlong kagawaran upang umaksiyon para masalag ang masamang epekto ng Tax Reform Acceleration and Inclus­ion (TRAIN) kay ‘Juan dela Cruz.’

Sinabi kahapon ni Trade Secretary Ramon Lopez, pinaigting ng DTI ang pag-monitor sa mga nagsasamantalang negosyante at hindi sumusunod sa itinak­dang suggested retail price (SRP).

Inatasan ng Pangulo ang DTI na i-monitor, arestohin at kasuhan ang mga mabibistong nagsa­sa­mantala sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis at nag-o-overprice sa kanilang produkto.

READ MORE:  Armadong lumapit kay Andaya, kinuyog (Habang naghahain ng COC sa CamSur)

Habang si Labor Secretary Silvestre Bello ay inalerto ang lahat ng regional wage board upang pag-aralan ang posibilidad na umento sa sahod ng mga mangga­gawa.

“May advice na si Secretary Bello sa lahat ng members ng RTWPB nationwide na umpisahan ang konsultasyon para maikonsidera ang walang habas na pagtataasan ng presyo ng mga bilihin, petroleum products,” ani Labor Undersecretary Joel Maglunsod.

READ MORE:  Shabu-laced ecstasy bagong party drug (Nadiskobre ng PDEA)

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kumikilos ang Depart­ment of Energy upang maghanap ng mas mu­rang langis galing sa mga bansang hindi kasapi ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC).

Ikinokonsidera ng administrasyong Duterte ang pag-angkat ng langis sa Russia na mas mura ang halaga.

“Gumagalaw na po ang DOE ngayon para maghanap ng mas murang langis galing po sa mga non-OPEC mem­ber, kasama na po ang Russia. Gagawin po natin ang lahat para po maka­angkat nang mas murang mga langis, dahil hindi naman lahat po ng oil producers ay members ng OPEC. At tinitingnan po natin iyong posibilidad na sa diesel man lang, kasi diesel po ay makaa­angkat tayo galing sa Russia,” ani Roque.

READ MORE:  Bagyo papasok sa PAR sa Miyerkoles

Mula nang ipatupad  ang TRAIN Law noong Enero, sinabing  umabot sa 4.7 % ang inflation rate sa bansa.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved