Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P40-M, 30-M Yen naholdap sa 2 hapon ng ‘pulis’
P40-M, 30-M Yen naholdap sa 2 hapon ng ‘pulis’

P40-M, 30-M Yen naholdap sa 2 hapon ng ‘pulis’

HINOLDAP ng tatlong lalaki, isa ang nagpa­kilalang pulis, ang mag­kaibigang negosyanteng Japanese national sa Brgy. Old Balara, Quezon City, nitong Miyerkoles ng gabi.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, C/Supt. Joselito Esquivel, ang mga biktima ay kinilalang sina Shoichi Ichimiya, 49, at Morita Shuyu, 53, kapwa pan­samantalang naninirahan sa V. Hotel, sa Malate, Maynila.

READ MORE:  Kelot ‘di nag-remit sa droga itinumba

Sa imbestigasyon ni PO3 Bronzon Saggot ng QCPD Batasan Police Station 6, naganap ang insidente dakong 8:00 pm kamakalawa sa Com­mon­wealth Avenue, Brgy. Old Balara ng lungsod.

Ayon sa mga biktima, sinundo sila sa kanilang hotel sa Maynila ng isang nagpakilalang Simon Marcos, at ng ‘di kilalang driver sakay ng hindi malamang behikulo may plakang (ZCGL-753).

Nagpakilala si Mar­cos na isang negosyante at sila ay magta­transaks­iyon sa Quezon City, kaya dahil sa tiwala ay agad sumama ang magkaibi­gang Hapon.

READ MORE:  Gasolina ibinaba presyo ng diesel kerosene itinaas

Ngunit pagdating sa Commonwealth Avenue, hinarang ang kanilang sasakyan ng isang nagpa­kilalang pulis.

Agad pinababa sa sasakyan ang dalawang Hapon at pinaiwan ang dala nilang travelling bag at mga gamit, saka sumakay ang nagpaki­lalang pulis at mabilis na pinaharurot ang dala nilang get-away car.

READ MORE:  4 drug suspect utas sa police ops sa Negros'

Nabatid na ang tra­velling bag ay naglalaman ng P40 milyon cash; 30,000,000 yen; wallet na nagla­laman ng P40,000; dalawang cell­phone, at Nike backpack.

Masusing iniimbes­tigahan ng mga awtori­dad ang insidente at inaalam kung may CCTV sa lugar para sa pagkaka­kilanlan ng mga suspek na kinabibilangan umano ng nagpakilalang pulis.

(ALMAR DANGUI­LAN)

COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved