Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Abas lusot sa CA (Bagong Comelec chairman)
Abas lusot sa CA (Bagong Comelec chairman)

Abas lusot sa CA (Bagong Comelec chairman)

KINOMPIRMA ng maka­pang­yarihang Commission on Ap­pointments ang nomi­nasyon ni Sheriff Ma­nim­bayan Abas bilang chairman ng Commis­sion on Elections (Comelec).

Si Abas, na ang termino ay matatapos sa 2 Pebrero 2022, ang pu­malit kay dating Come­lec Chairman Andres Bautista na nagbitiw sa puwesto dahil sa eskan­dalong kinahaha­rap.

READ MORE:  Intelektuwalisasyon ng wikang Filipino isinusulong ng KWF

Sa kabila ng pagku­wes­tiyon kay Abas ng mga miyembro ng komis­yon dahil sa pagiging tiyuhin niya kay Moro Islamic Liberation Front (MILF) chief negotiator Mahagher Igbal, ay nakalusot siya sa CA.

Inamin ni Abas sa komisyon ang kanilang pagiging magka­mag-anak ni Igbal ngunit aniya ay walang masa­ma sa pagka­karoon ng kamag-anak na rebelde at hindi niya ito kasa­lanan.

READ MORE:  Pinoy kabilang sa 8 missing crew (Sa tumaob na barko sa Britanya)

Tiniyak ni Abas na kanyang tutuparin ang kanyang tung­kulin na pamunuan ang Comelec lalo na’t sa susunod na taon ay muling magda­raos ng halalan.

READ MORE:  2 karnaper todas sa parak

Siniguro rin ni Abas na hindi niya pahihin­tulutang may maganap na “failure of election” sa susunod na halalan bagkus ay isang malinis, mapayapa at maayos na eleksiyon ang maga­ganap. (NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

COMMENTS

About Niño Aclan Cynthia Martin

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved