Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 lola patay sa araro ng kotse (Sa Kennon Road)
2 lola patay sa araro ng kotse (Sa Kennon Road)

2 lola patay sa araro ng kotse (Sa Kennon Road)

DALAWANG lola ang namatay makaraan ararohin ng isang kotse habang nag-aabang ng pampasaherong jeep sa Kennon Road, Baguio City, bandang 6:00 ng umaga nitong Martes.

Ayon sa mga saksi sa insidente, naghihintay ng pampasaherong jeep sa gilid ng kalsada sina Rosaline Alberto, 61, at Sioning Pimiliw, 64, nang biglang sagasaan ng rumaragasang kotse.

READ MORE:  Drug war ni Digong suportado ng EU
READ MORE:  Pumugot sa 9-anyos totoy, arestado

Kasama ni Alberto ang kaniyang dalawang anak at dalawang apo, na nasugatan insidente.

Hindi nasaktan ang apat pasahero ng kotse.

Dinala ang mga sugatan sa ospital at ka­sa­lukuyang nagpapa­galing.

READ MORE:  Nurse positibo sa MERS — DoH (400 pasahero susuriin)

Base sa inisyal na imbestigasyon, posi­bleng nakatulog ang driver ng kotse, na maa­aring maharap sa rekla­mong reckless impru­dence resulting in homi­cide and physical injuries.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved