Friday , August 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Dalagita naatrasan ng payloader, DOA sa ospital
Dalagita naatrasan ng payloader, DOA sa ospital

Dalagita naatrasan ng payloader, DOA sa ospital

ILOCOS NORTE – Nalagu­tan ng hininga ang isang 15-anyos dalagita nang maa­trasan ng payloader sa Brgy. Lanao, sa bayan ng Bangui, ayon sa naantalang ulat ng pulisya kahapon.

Batay sa imbestigasyon, nakaangkas noong Biyernes ang biktima sa motorsiklo na minama­neho ng kaniyang 17-anyos kuya nang umatras ang payloader.

READ MORE:  ‘Bag Lady’ ni Leni pinangalanan

“Nagmo-move back­ward ang payloader at sinubukang iwasan ito ng motor na nasa likod pero it’s too late,” ani Chief Insp. Samson Amistad.

READ MORE:  677 pasahero na-stranded sa barko

Nakababa ng motorsiklo ang kuya ngunit hindi nahila ang kapatid.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima.

READ MORE:  Mini pork barrel sa AFP naungkat sa budget hearing

Samantala, humingi ng tawad ang nagmamaneho ng payloader.

Kung hindi maareglo, posibleng maharap sa reklamong reckless impru­dence resulting in homicide and damage to property ang driver ng payloader.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved