Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Miss Universe, tamang ‘di muna gawin sa ‘Pinas; linisin muna ang DOT

Miss Universe, tamang ‘di muna gawin sa ‘Pinas; linisin muna ang DOT

TAMA ang desisyong huwag na muna sa Pilipinas gawin iyang Miss Universe. Ano, taon-taon na lang dito sila? Gusto nila rito dahil wala sila halos iniintindi. Mga Filipino ang pumapasan sa lahat ng mga dapat sana ay sila ang gagawa. Pero isipin ninyo, hindi maganda ang kabuhayan natin ngayon. Tumaas na naman ang presyo ng petrolyo. Tiyak na ang pagtaas ng presyo ng transportasyon. Tumaas na ang halaga ng lahat ng bilihin dahil sa mga bagong tax law. Tapos magtatapon tayo ng pera sa Miss Universe? Ibigay na lang ninyo iyan sa mga nagugutom na Filipino. Hindi nga maibigay ang dagdag na pensiyon ng SSS dahil walang pera, tapos gusto ninyong magtapon ng pera sa Miss Universe?
Dapat ding ayusin muna ang mga problema niyang Department of Tourism. Marami pang kailangang imbestigahan diyan. Pati nga si Cesar Montano kailangang sumailalim sa imbestigasyon eh. Linisin muna iyan bago mag-ambisyong gumastos na naman ng bilyong piso sa Miss Universe.
COMMENTS
READ MORE:  Katrina, hindi naghahanap ng dyowa

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved