Saturday , October 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Anne at Dingdong, lumipad pa ng Japan para sa Sid & Aya
Anne at Dingdong, lumipad pa ng Japan para sa Sid & Aya

Anne at Dingdong, lumipad pa ng Japan para sa Sid & Aya

FOR the first time, pinagsama ng Viva Films ang Princess of all Media na si Anne Curtis at ang 49th Box Office Entertainment Awards Film Actor of the Year na si Dingdong Dantes sa isang pinaka-aabangang romance-drama movie, ang Sid & Aya, (Not A Love Story) na magbubukas sa mga sinehan sa May 30, mula sa panulat at direksiyon ni  Irene Emma Villamor.

Ginagampanan ni Dingdong ang role ni Sid, isang insomniac, habang si Anne ay si Aya, misteryosang babae na makikilala at uupahan niya para makaraos sa lungkot ng mga gabing ayaw siyang dalawin ng antok.

READ MORE:  2 pelikulang naiwan ni direk Wenn, maisakatuparan pa kaya?

May ilang mga eksena sa Sid and Aya, Not A Love Story na kinunan pa sa Japan, kaya naman lumipad patungo sa Land of the Rising Sun sina Anne at Dingdong.

Bago ang showing ng pelikula, magkakaroon sila ng mall tour na magsisimula sa ngayong hapon, 5:00 p.m. sa SM City Dasmarinas, May 20, 4:00 p.m. sa Ayala Malls Cloverleaf, May 26, 4:00 p.m. sa Gateway Cineplex, 6:00 p.m. sa Ayala Malls Feliz, May 27, 4:00 p.m. sa SM City Bicutan, at 6:00 p.m. sa SM City Sta Rosa.

READ MORE:  Umarko ang kilay ng mga fansitas!

Magaganap din ang Red Carpet Premiere nito sa May 28, 7:30 p.m. sa Trinoma Cinema 7.

READ MORE:  Walang masama sa ipinayo nina Jose at Tito Sen sa tatay na bakla

Mapapanood din ito sa Middle East Theater sa June 7, habang ang US Screening naman nito ay sa June 8. Mapapanood din ito sa Rome, Italy, at Hongkong.

Para sa iba pang detalye, i-like lamang ang official social media accounts ng Viva films, Facebook: VIVAFilms at sa Twitter & IG: viva_films.

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved