Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Louise at Bela, trip ng baguhan
Louise at Bela, trip ng baguhan

Louise at Bela, trip ng baguhan

IPINAKILALA sa press ni CEO/President ng BeauteDerm na si Ms Rhea Anicoche Tan ang kanyang kamag-anak na si Christienne Viloria na gustong subukan ang showbiz.

Pakilala ni Ms Rei, ”Guys meet Christienne, kamag-anak ko ‘yan, gustong mag-artista ano ba sa tingin n’yo?”

Na sinagot naman ng mga press people ng thumbs up, dahil bukod sa angking kaguwapuhan ay maganda ang PR kaya naman mukhang mamahalin at kagigiliwan.

READ MORE:  Enzo, willing gumanap sa prequel ng My Husband’s Lover

Isa si Christienne sa naging espesyal na panauhin sa launching  ni Arjo Atayde bilang brand ambassador ng The Origin Series perfume ng BeauteDerm, (Alpha, Radix, at Dawn) kaya naman nagkaroon ng pagkakataong ma-meet ito ng mga kapatid sa panulat.

READ MORE:  Kathryn, feeling beautiful ‘pag darating sa set

Thankful nga ito at naimbitahan siya ni Ms Rei dahil idolo niya si Arjo dahil sa husay umarte. Ang pagiging versatile actor nga ang isa sa nagustuhan nito sa Kapamilya actor.

Katulad ni Arjo, gusto niya rin maging versatile actor na puwede magbida-kontrabida, mag-komedya, magdrama o mag-aksiyon if ever  mabibigyan ng pagkakataon sa showbiz.

READ MORE:  Vince & Kath & James, Seklusyon at Die Beautiful, palabas pa rin sa mga sinehan

Kaya naman balak nitong mag-undergo ng acting workshop para maihanda ang kanyang sarili sa pagpasok sa showbiz. Ilan nga sa artistang babae na gusto niyang makasama ay sina Louise Delos Reyes at Bela Padilla.

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved