Monday , August 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Kandidatong kapitan panalo sa ‘toss coin’ (Sa Abra)
Kandidatong kapitan panalo sa ‘toss coin’ (Sa Abra)

Kandidatong kapitan panalo sa ‘toss coin’ (Sa Abra)

LAGAYAN, Abra – Labis ang tuwa ng isang 33-anyos kandidato nang manalo bilang chairman ng Brgy. Collago sa pamamagitan ng ‘toss coin.’

Kalaban ni June Car­denas sa posisyon ang kababata at matalik niyang kaibigan na si Rexor Jay Molina, ang nakaupong chairman ng kanilang barangay.

Sa naging halalan nitong Lunes, tabla sa 206 ang kanilang boto kaya kinailangan mag-toss coin para malaman kung sino ang panalo.

READ MORE:  Chinese gov’t tutulong sa paghuli sa drug lords

Sa Section 75 ng Commission on Elections (Comelec) guidelines, maaaring gamiting tie-breaker ang ‘toss coin’ o draw lots kapag tabla ang boto ng dalawang kandidato.

“Best-of-five” ang naging labanan ng mag­ka­babata.

Pinili ni Cardenas ang buntot at ulo ang pinili ni Molina. Tatlong beses lumabas ang buntot sa ‘toss coin.’

READ MORE:  3 kainoman tinangkang sunugin ng binatilyo (Napikon sa debate sa relihiyon)

Unang beses tumak­bong barangay chairman ni Cardenas kaya labis ang kaniyang galak at pasasalamat sa Diyos.

“Nakatutuwa po, kasi talagang bago po nag-toss ng coin, nagdasal po ako sa CR. Sabi ko, Diyos na ang bahala,” kuwento ng nanalong punong barangay.

READ MORE:  Pol ads idinepensa ng Palasyo

“Itatabi ko po ito, ipala-laminate ko po kasi ito ang nagpanalo sa akin,” dagdag niya.

Samantala, naging tabla din ang boto sa dalawang kandidatong chairman sa isang ba­rangay sa bayan ng Pilar. Ayon sa election officer doon, posibleng draw lots ang gamiting tie-breaker.

 

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved