Sunday , August 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Beauty queen-turned-actress, muntik magpakamatay

Beauty queen-turned-actress, muntik magpakamatay

FOR a change, positibo naman ang aming paksa ngayon na nanaig pa rin sa beauty queen-turned-actress ang takot sa Diyos para hindi ituloy ang binalak niyang pagpapatiwakal.
Matinding problema sa kanyang karelasyon ang nagtulak sa kanya para magdesisyong wakasan na niya ang kanyang buhay. That time, ang inakala niyang afam (foreigner, mga ineng!) na magiging katuwang na niya habambuhay ay huwad pala.
“Sa sobrang pagka-depress ng lola mo, eh, dumating na siya sa point na umakyat talaga siya ng building sa isang bansang matagal-tagal din niyang tinirhan at tatalon! Naku, buti na lang, napagtanto niya na malaking kasalanan nga naman ‘yon sa Itaas, kaya hayun, may I baba siya mula sa pasimano sa terrace at ‘di niya itinuloy ang pag-jump niya,” tsika ng aming source.
Hindi naman daw beki ang napangasawa ng dating beauty queen, o di kaya’y babaero pero abot-abot daw ang kalbaryong napala ng bida sa kuwentong ito na itago na lang natin sa alyas na Mirasol Quirino.

COMMENTS
READ MORE:  Kris, deadma sa mga bumibira sa paggamit ng presidential chopper (Dahil sa wisdom of keeping quiet…)

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved