Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kathelyn Dupaya, masama ang loob kay Ynez Veneracion 
Kathelyn Dupaya, masama ang loob kay Ynez Veneracion 

Kathelyn Dupaya, masama ang loob kay Ynez Veneracion 

MASAMA ang loob ng kilalang businesswoman na si Kathelyn Dupaya dahil sa naging pahayag ni Ynez Veneracion na para siyang na-scam at iba pang celebrities ng isang businesswoman na ang isa sa negosyo ay loading sa mga OFW sa Brunei. Although walang pangalang nabanggit si Ynez, ang pagkakasabi raw sa OFW sa Brunei ang naging main reason para mag-react ang naturang businesswoman. 

“Hindi po ako scammer, hindi ako nanloko. Kasi, iba iyong scammer, iyong scammer, nawala ang pera mo, nangutang, o may kamuha ng pera mo. Iyong sa akin delayed po at sa transaction namin for how many years, si Sunshine (Cruz) four years mahigit, si Ynez almost two years. Do you think sir, scammer ‘yun? Naibalik ko ang puhunan niya… 

“Noong December po sir, nagpaalam siya (Ynez), kunin na raw niya lahat. Sabi ko, ‘Hindi tayo makapagbigay ng notice ngayon dahil December nagsisialisan lahat ng agents ko, nagbabakasyon, by January ako magbigay ng notice.’ Pero kahit ganoon pa man, kahit hindi pa nagsibalikan ang mga tao, my own pocket money nag-settle ako sa kanya. Kahit wala pa until now sir ‘yung P1.2 million niya, wala pa sa kamay ko, pero ako bayad na sa kanya,” naiiyak na pahayag niya. 

Si Ms. Dupaya ay kilalang negosyante sa Filipinas at Brunei na ang lifestory ay na-feature noon sa Magpakailanman. Kabilang sa business niya sa Brunei ang dalawang restaurants, bakery, tatlong spa, salon, at boutique. Sa Filipinas naman, kabilang sa mga negosyo niya ang apartments, UV Express, at mini-mart. Isa sa business niya ay loading station sa Brunei at roon napasali ang investment ni Ynez, ngunit naibalik na raw ito lahat, ayon kay Ms. Dupaya. 

“So, before pumasok ang 2018, mayroon kaming company problem, may mga issue, alam nila ‘yung totoo. So ngayon, sabi ko may problemang ganito, so ako nakiusap sa kanila, ‘Sana maunawaan ninyo ako sa sitwasyon ko ngayon…’ Best friend ko sila e, sino ba unang makauunawa sa iyo? Bestfriend mo, ‘di ba?” 

Labis din na nasaktan si Ms. Dupaya sa sinabi ni Ynez na pinadama lang daw pala sila. “For how many years mo na nakasama sa kung ano-ano, sa kainan, lahat, so, never ko ine-expect na ilalaglag niya ako na sabi niya pinadama ko siya? Unang pagkakita ko kay Ynez, namatay ang lola niya at ako ang sumagot sa burial ng lola niya noong 2015. Ganoon ba ang pinadama? That’s the start na naging friendship kami and mga few months dinala ko siya sa Brunei at after that ay balik-balik siya sa Brunei, ganyan. But whenever na pupunta siya sa Brunei, hindi puwedeng uuwi siya ng Filipinas na wala akong ibinibigay sa kanya. I don’t want to say the amount, pero lahat ng request ko ay may bayad, pero lahat ng request niya is free. 

“Alam mo sir nakapagsalita ako na parang nanunumbat ako, kasi ay nasaktan na ako, e. Hindi nila nakikita iyong mga nagawa kong mabuti, ang nakikita lang nila ay iyong delayed (na payment). In business sir, normal ang ma-delay. Kahit nga TF, nade-delay, iyon pa kaya?” Bulalas ni Ms. Dupaya. 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS
READ MORE:  Mensahe ni Robin: Mahalin mo ang bayan at lahi mo

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved