Monday , August 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 4 Pinoy drivers sa Kuwait pinalaya na
4 Pinoy drivers sa Kuwait pinalaya na

4 Pinoy drivers sa Kuwait pinalaya na

INIURONG na ng gob­yerno ng Kuwait ang kasong kidnapping laban sa apat na Filipino drivers na una nang inaresto at ikinulong dahil sa pagsama sa rescue operation sa distressed overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon kay Pre­siden­tial Spokesman Harry Roque, sa ngayon ay nakauwi na ang apat driver sa kani-kanilang bahay sa Kuwait.

READ MORE:  PDEA tatapyasan ni Enrile ng pondo

Gayonman, sinabi ni Roque na hindi uuwi ng Filipinas ang apat na driver dahil sa Kuwait na sila naninirahan.

READ MORE:  Tulak pumalag sa parak, tigbak

“Yung mga driver napakawalan na, pero hindi po sila uuwi ng Filipinas kasi dito talaga sila nakatira sa Kuwait at wala na silang mga kaso,” ani Roque sa phone patch interview sa Palace reporters kaha­pon.

READ MORE:  1 patay, 2 sugatan sa nahulog na motorsiklo sa irrigation canal

Aniya, gaganapin ang pirmahan ng memo­randum of agreement ngayon sa Kuwait at makakasama bilang mga kinatawan ng Filipinas sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Special Envoy to Kuwait Abdullah Mamao.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved