Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Solenn, nabigong kopyahin si Paolo
Solenn, nabigong kopyahin si Paolo

Solenn, nabigong kopyahin si Paolo

INABANGAN ng lahat ang posts nina Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff ng resulta ng make-up transformation challenge nila sa isa’t isa na pangako nila sa nakaraang mediacon ng pelikulang My 2 Mommies na produced ng Regal Films.

Nitong Miyekoles ng gabi ay naunang mag-post si Solenn ng litrato nila ni Paolo na ginaya niya na may caption na, “O, I tried to be @pochoy_29. I paint and I do make-up but transforming a face into another is probably the most difficult art haha. I appreciate Paolo’s work even more now. Respect!!!! I can’t wait to see my face on him!!!!! Link on my bio.”

Para sa amin ay hindi saktong nagaya ni Solenn ang mukha ni Paolo kasi nga unang beses niya itong ginawa kaya hindi pa niya gamay. Maski magaling na make-up artist ang aktres ay aminadong nahirapan siya.

READ MORE:  Aiko, ‘di na naman kinakausap ni Jomari
READ MORE:  Jeff, todo-ligaw din sa magulang ni Jasmine

Kaya ang inaabangan na lang

ay ang post ni Paolo bilang si Solenn ngayong Lunes, Abril 30 tulad ng sinabi niya sa amin pagkatapos ng presscon ng My 2 Mommies na ginanap sa Valencia Events Place.

READ MORE:  Acting ni Diet sa Bakit Manipis ang Ulap?, nakadi-disturb

Sa nasabing post ni Solenn na ginaya niya si Paolo at iti-nag pa ay walang reaksiyon ang aktor kung pumasa sa kanya ang ginawa ng leading lady niya sa pelikula.

Mapapanood na ang My 2 Mommies sa Mayo 9 kasama rin sina Joem Bascon, Marcus Cabais, at Ms Maricel Soriano na idinirehe naman ni Eric Quizon handog ng Regal Films.

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved