Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Nigerian inambus sa Las Piñas, patay
Nigerian inambus sa Las Piñas, patay

Nigerian inambus sa Las Piñas, patay

BINAWIAN ng buhay ang isang Nigerian national makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Las Piñas City, nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Didicus Ohaeri, taga-Bacoor, Cavite.

READ MORE:  Broadcaster sa Digos utas sa ambush (Media killing resolbahin — PNoy)

Sa inisyal na imbestigasyon ng Las Piñas Police, binabagtas ni Ohaeri ang Alabang-Zapote Road sakay ng kanyang kotse nang pagbabarilin siya ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo dakong 11:30 ng umaga.

READ MORE:  Evacuation, deployment ikinasa sa Yemen

Ayon sa mga pulis, dati nang sinampahan ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District si Ohaeri ng reklamong may kaugnayan sa ilegal na droga.

READ MORE:  P50K pekeng gamot kompiskado sa 6 Chinese drug stores (Saleslady arestado)

Patuloy pang iniimbestigahan ang posibleng motibo at mga suspek sa pamamaril.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved