Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Belladonnas, sasabak na sa pelikula
Belladonnas, sasabak na sa pelikula

Belladonnas, sasabak na sa pelikula

MARAMI mang nagsusulputang girl group, malaki ang tiwala sa isa’t isa ng Belladonnas na sisikat at makikilala sila.

Kaya naman kitang-kita kina Quinn, Phoebe, Chloe, Jazzy, Xie, Rie, at Stiff ang confidence nang sumayaw at kumanta nang ipakilala sila noong Miyerkoles ng gabi.

Malaki rin ang tiwala ng 3:16 Events & Talent Management sa Belladonnas kaya ipinakilala na sila sa entertainment press. Bago kasi ang media launch ay sumailalim muna sila sa matitinding singing at dancing workshops. Sumabak din sila sa acting workshops bilang paghahanda sa  kanilang future projects sa commercials, TV, at pelikula.

READ MORE:  Alden, ‘di totoong sa carinderia lang sa Canada nag-show

Napag-alaman naming sumabak na rin pala sila sa mall shows, corporate shows, at school tours. Naging special guest din sila sa concert ng Clique 5 sa Music Museum noong Pebrero.

READ MORE:  Kim at Kiko, ‘mahal’ na ang tawagan pero ‘di pa raw mag-on

Pagbabalita ni Len Carillo, head ng 3:16 Events and Talent Management, “Nag-training ang Belladonnas for almost a year, dire-diretso ‘yon at talagang tinututukan ko sila. Very cooperative sila, walang attitude problem at talaga namang magagaling kaya masarap tulungan.”

READ MORE:  Malaysian RnB singer Min Yasmin, natutong mag-Tagalog dahil sa mga teleserye ng Dos

Idinagdag pa ni Len na pinaghahandaan na rin ng pito ang paggawa ng pelikula na posibleng makasabay sa paglulunsad ng kanilang debut album na ilalabas din ngayong taon.

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved