Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / AUV lumusot sa resto, 9 sugatan (Sa Festival mall)
AUV lumusot sa resto, 9 sugatan (Sa Festival mall)

AUV lumusot sa resto, 9 sugatan (Sa Festival mall)

NAGULANTANG ang mga kumakain nang salpukin sila ng isang umaatras na AUV na lumusot sa restaurant mula sa labas sa Festival Mall sa Muntinlupa City.

Ayon sa ulat, siyam ang nasugatan sa naturang insidente na nangyari noong Linggo sa Gerry’s Grill restaurant.

READ MORE:  Kustodiya ng P37.3-M droga ipinasa ng BoC-NAIA sa PDEA

Sa kuha ng CCTV, makikita ang mga biktima habang magkakasamang nakaupo sa harap ng mesa nang biglang sumulpot ang papaatras na sasakyan at natumbok ang grupo.

Nakuhaan din ng CCTV nang mahagip ng sasakyan ang isang batang tumatakbo sa loob ng restaurant.

READ MORE:  Beking beautician tinarakan

Ayon sa pamunuan ng Festival Mall, nagmamaniobra umano ang driver ng AUV nang matapakan niya ang silinyador ng sasakyan imbes ang preno.

Kasama umano sa mga nasaktan ang driver ng sasakyan.

Maayos na umano ang kondisyon ng mga biktima na nagkaroon lamang ng bahagyang pinsala.

READ MORE:  12 patay, 200 naospital sa diarrhea outbreak (Sa North Cotabato)

Samantala, sinabi ng pamunuan ng Gerry’s Grill sa kanilang pahayag, na nailabas na sa ospital ang mga sugatan.

Nakipag-areglo umano sa kanila at sa mga nasugatan ang driver ng AUV.

Balik-operasyon agad ang kainan makaraan ang insidente.

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved