Sunday , August 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Atleta niyakap sa banyo, guro kalaboso (Sa 2018 Palarong Pambansa)
Atleta niyakap sa banyo, guro kalaboso (Sa 2018 Palarong Pambansa)

Atleta niyakap sa banyo, guro kalaboso (Sa 2018 Palarong Pambansa)

INARESTO ang isang lalaking guro makaraan ireklamo ng pambabastos ng isang binatilyong atletang kalahok sa 2018 Palarong Pambansa sa Ilocos Sur, nitong Martes.

Ayon sa ulat, nakapiit sa estasyon ng pulisya sa Caoayan, Ilocos Sur ang 28-anyos na si Rodymar Lelis, isang elementary school teacher mula sa Cebu City.

READ MORE:  Totoy nalunod sa creek (Bola hinabol)

Dinakip si Lelis sa venue ng dance sports competition ng Palaro makaraan ireklamo ng 14-anyos atleta.

READ MORE:  Bagyong Vinta tatama sa Pasko

Sa imbestigasyon ng pulisya, biglang pumasok ang suspek sa banyo saka niyakap at tinangkang halikan ang atleta.

Tinanong din umano ng guro kung ‘magkano’ ang atleta.

READ MORE:  “Aklat ng Bayan” inilunsad, binuksan sa publiko ng KWF

Agad nagsumbong ang atleta kaya nahuli sa mismong venue ang guro.

Tumangging magbigay ng pahayag ang guro, na kinasuhan nitong Miyerkoles ng acts of lasciviousness.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved