Friday , July 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Direk Tonette, gusto pang makatrabaho ang JaDine
Direk Tonette, gusto pang makatrabaho ang JaDine

Direk Tonette, gusto pang makatrabaho ang JaDine

BAGAMAT nagkaroon ng kaunting misunderstanding sina Direk Antoinette Jadaone at ang magka-loveteam na sina James Reid at Nadine Lustre habang ginagawa ang Never Not Love You, gusto pa rin at handa pa rin siyang makatrabaho ang mga ito.

Certified block buster ang pelikulang Never Not Love You kaya naman sulit ang hirap at lahat ng nakasalubong nilang problema rito.

Ani direk Tonette nang makausap naming sa presscon ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Since I Found You na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, JC de Vera, Arci Muñoz, Alessandra de Rossi, at Empoy Marquez, okey na okey sila ng JaDine.

“Wala kamding problema, Parang madaling malunod kapag makikinig ka sa mga taong hindi mo naman kilala. At least kung kami, okay naman kami, personally, okay,” sambit ng magaling na direktor.

Looking forward pa nga siyang makatrabaho uli ang dalawa. ”Dapat  iba na ang material. Iba na sa nagawa namin.”

Mamayang gabi na mapapanood ang Since I Found You, kapalit ng The Good Son.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved