Saturday , October 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 promotor ng tupada, 1 pa patay sa duelo (Nitong Biyernes Santo)
2 promotor ng tupada, 1 pa patay sa duelo (Nitong Biyernes Santo)

2 promotor ng tupada, 1 pa patay sa duelo (Nitong Biyernes Santo)

PATAY agad ang dalawang gang leader at isang tauhan, habang lima ang sugatan makaraan magduwelo ang dalawa sa isang tupada sa Canlaon City, Negros Oriental, nitong Biyernes Santo ng hapon.

Patay sa insidente sina Elmer Patinio, Glenn Galvan at Victor Bravo.

Sugatan sina Jeric Patinio, Mark Glenn Galvan, Edmund Galvan, Alex Taburada, at Nemencio Bucog.

READ MORE:  P68-M PhilHealth funds ‘niraket’ ng Albay hospital

Sa imbestigasyon ng lokal na pulisya, nagpapasabong ang grupo ni Patinio nitong Biyernes Santo, na nagkataong araw ng palengke sa Sitio Tabalogo, nang maganap ang barilan.

Sinabing nagduwelo sina Elmer Patinio at Glenn Galvan dahil sabay silang bumunot ng baril at nagpaputok nang magkaharap.

READ MORE:  ‘Chedeng’ ng Indonesian diplomat nagliyab sa EDSA

Patay agad ang dalawa at nadamay si Bravo.

Makaraan ang duwelo ng dalawa, bumunot din ng baril ang iba pang kasamahan nila saka nagbarilan.

Si Bucog, na isa sa mga sugatan, ay nadamay at ang iba pang nakilalang sugatan ay pawang kagrupo nina Patinio at Galvan.

READ MORE:  Bradley KO kay PacMan (Palasyo ‘pumusta’)

Tinutugis ng mga awtoridad ang mga nakatakas na miyembro ng dalawang grupo na matagal na umanong may alitan.

 

Hataw News Team

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved