Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Diborsiyo pag-aralan pang mabuti
Diborsiyo pag-aralan pang mabuti

Diborsiyo pag-aralan pang mabuti

SA botong 134-57 ay ipinasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na nagsusulong ng diborsiyo sa bansa. Naipasa ito kahit nagpahayag ang pangulo na tutol siya rito.

Ang tanong lang ay kung magiging ganap na batas ba ito gayong malamig na malamig ang pagtanggap dito ng Senado.

READ MORE:  Abuso sa kapangyarihan

Giit ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus, isa sa mga pangunahing may-akda ng panukala, na ang pagsusulong sa diborsyo ay base na rin sa hinaing ng maraming mga kababaihan na gustong makakawala sa mapang-abusong relasyon.

Maaaring marami ang tumututol sa panukalang ito, lalo na ang simbahan at sila na nagsasabi na may matinding pagpapahalaga sa pamilya. May takot ang ilan na baka tuluyan nang mawalan ng pagpapahalaga ang mamamayan sa tunay na diwa ng kasal at pagpapamilya.

READ MORE:  Kapalpakan sa Kalibo Airport talamak pa rin (Attn: CAAP DG Jim Sydiongco)

Gayong ikinokonsidera natin ang pagpabor sa pagsusulong ng diborsiyo sa bansa, naniniwala tayo na kailangan pang higit na marinig ang mamamayan tungkol sa kanilang setimyento rito. Kailangan sigurong mahimay pang mabuti ang panukala, ang mga rason nito, sa pagsusulong ng nasabing batas.

READ MORE:  Dalaw ng mga preso sa Bicutan BJMP MMDJ2 ‘bawal’ pa rin? (Attn: DILG Acting Sec. Año)

Tamang bigyan muna ng Senado ng “cold shoulder treatment” ang panukala at saka timbangin mabuti ang kabutihan o kaya’y kasamaan ng panukalang ito, bago tuluyang magdesisyon kung dapat ba itong ipasa o ibasura.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top