Thursday , October 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ysabel Ortega, kakaibang role ang gagampanan sa Araw Gabi
Ysabel Ortega, kakaibang role ang gagampanan sa Araw Gabi

Ysabel Ortega, kakaibang role ang gagampanan sa Araw Gabi

AMINADO si Ysabel Ortega na kakaibang excitement ang kanyang nararamdaman sa bago niyang TV project sa Kapamilya Network. Ito’y pinamagatang Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi at tinatampukan nina JM de Guzman at Barbie Imperial. Bahagi rin ng casts sina Vina Morales, Rita Avila, Raymond Ba­gatsing, Ara Mina, Victor Silayan, at iba pa.

“Opo, I’m super excited for this new show po,” panimula ni Ysabel. Dagdag ng magandang young actress, “I’m so thankful po, this is my first main role na hindi po love triangle, hahaha! So, I’m ready for the challenge and change of character.”

READ MORE:  Regine, ‘di na gagawa ng pelikula

Tinutukoy ni Ysabel ang mga nakalipas niyang TV series na On The Wings of Love nina James Reid & Nadine Lustre at Born For You na pinagbidahan nina Elmo Magalona at Janella Salvador. Sa naturang TV series kasi ay gumanap siyang third party sa mga tampok na love teams.

Saad ng alaga ni katotong Ogie Diaz, “It’s definitely something new for me, especially na Precious Hearts po ‘yung teleserye, and palagi po ako ready and nakaabang to try new things, and this role is a step up from my past characters, which is why I can’t wait na makita na po ng lahat ang ganda ng story po nito.”

READ MORE:  Mga beki, deadma na sa actor dahil matanda na at may asawa pa

Ano ang papel niya rito? “Ako po rito si Nica Marcelo… kasama ko po rito sina Ms. Vina Morales, sir Raymond Bagatsing, Ms. Ara Mina and many more amazing veteran actors.

READ MORE:  Ria, kinikilig kina Kathryn at Daniel

“I’m looking forward to working with a powerhouse cast, along with kuya JM (de Guzman) who I have always admired because of his past work. I’m also working with Barbie (Imperial) who I was already friends with before this show, which is making everything very exciting for me kasi marami rin po akong mga kaibigan na makakatrabaho rito, besides Barbie,” saad ni Ysabel.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved